"Laki ng eyebags ko!"
"Shocks, kung kailan naman ako may lakad syaka pa dumami lalo pimples ko!"
"Panget ko, kainis."
"Bakit ganito itsura ko?!"
"Ang taba kooo!"
"Para akong buto't balat!"
"Dami kong stretch marks."
"Bakit yung iba maganda tapos ako mukhang ewan."
"Sana ganito ako. Sana ganyan."
LOVE YOURSELF FIRST AND MAKE YOUR FLAWS AS YOUR ASSETS
Sabi nga sa kanta ni Justin Bieber, love yourself! Always remember, na walang unang dapat magmahal sa'yo bukod sa iba kundi ang sarili mo. If you want to be loved by others as who and what you are then, you should love yourself first. You should appreciate your flaws and make it as your assets. Stop complaining about the things you do not have instead, be thankful for the things na mayroon ka. Tulad na lang ng nunal. Dito sa atin, napaka-big deal niya and tinitignan halos ng lahat in a negative way, "Gloria" nga ang alyas kapag may ganyan ka, di'ba? But let us be like those people in other countries who made their mole as their asset and made it as a symbol of beauty. And also, we should remember and appreciate kung ano ang totoong purpose ng mga bagay na mayroon tayo. For example, instead of complaining about your eyebags, maging thankful ka nalang kasi may eyes ka in the first place! Makes sense? Yes, it does! Be thankful. Yung ibang tao may mata pero hindi nakakakita, blessed ka!
REMEMBER THE REAL PURPOSE
Nakakalungkot dahil minsan nakakalimutan na natin kung ano ba talaga yung purpose ng mga bagay na mayroon tayo. Lahat tayo gusto ng maganda, magandang mukha, skin at iba pa pero maging sensitive tayo sa mga inilalagay natin sa utak natin gaya ng mga nabasa mong lines sa simula at syempre pag-isipan maiigi ang mga bagay na ginugusto natin sa buhay. Hindi tama yung sobrang panlalait, pamumuna at sobrang paghahangad ng mga bagay na hindi mo maaaring afford sa sitwasyon mo ngayon. Alamin natin maigi kung ano yung mga bagay na tunay na kailangan at alin ang mga hindi.
JUST BE YOU
Love yourself. Always remember, you do not have to change yourself in order for you to be accepted by the society. Humahanga tayo sa ibang tao like celebrities dahil sa talents, skills and especially sa itsura nila. Nakakahanga yung kinis, tangos at ganda ng itsura nila PERO, never ever forget na hindi mo kailangan ng magandang mukha para mahalin ka. You deserve to be loved no matter how you look and style. Know your worth! Kumbaga, mahalin nila tayo hindi dahil sa itsura natin. Mahalin nila tayo kasi mahal nila tayo, that is what we deserve!
IT IS ALL ABOUT YOU THAT MATTERS
Let us be proud of what and who we are! Let us love our broken parts and believe that there are people who will still love us as what we are. I'm telling you this, huwag mo ng isipin yung sasabihin sa'yo ng ibang tao sa kung ano yung kilos, itsura o mga talento mo! Why? Kasi ang totoo, kahit ano namang itsura mo o ano pang gawin mong mabuti sa buhay, may masasabi at masasabi pa rin sila tungkol sa'yo! Sabi nga diba, kahit gumawa ka ng napakaraming bagay na tama, makikita pa rin nila yung isa mong pagkakamali. Stop thinking about others. It is all about you that matters. Be proud, this is us!
BE CAREFUL AND SENSITIVE
Huwag nating hayaang dumating pa sa point na maging dahilan ng depression yung mga mga bagay na wala tayo. Alisin na natin yung insecurities natin dahil wala naman silang matutulong sa atin na maganda instead magiging factor lang sila para maging negative tayong tao. Maging kuntento tayo sa mga bagay na mayroon tayo. Believe me, you are a masterpiece! You are fearfully and wonderfully made! We are created by God's image and we are very good! Hindi ka panget, judgemental lang sila!
YOU ARE DIFFERENT AND GOOD IN YOUR OWN WAY
'Wag na nating icompare yung sarili natin sa iba. Dahil in the first place, iba tayo sa kanila! We are good in our own way. Iwasan na nating tumingin sa itsura ng iba lalo na kung puro insecurities lang ang dulot nito sa'tin! Maganda ka. Pogi ka. Pango, matangos, maitim, maputi, iisa lang sinasabi niyan, maganda at pogi ka!
YOU ALWAYS HAVE A CHOICE
Never mo ring hayaan na negativity ang laging sasalubong sa'yo kada umaga. Remember this, lagi kang may choices kada araw. And your choice matters. And here are the choices:
First choice- maging positive throughout the day, look at the positive side and ignore the things that will make your day bad.
Second choice- choose to see and let the negative side drive and control your day.
And I suggest na always choose the first choice! Do not let the evil ruin your day. Ikaw ang dapat magdedecide kung ano ang gusto mong maging takbo ng araw mo. Always look at the brighter side!
CHEER YOURSELF UP!
Hindi masamang purihin ang sarili! Puro negative na nga ang mundo di'ba? Sa balita pa lang puro patayan at drugs na ang kinakalat. Magiging nega ka pa ba? 'Wag na! Try mo minsan 'to and it really works. Harap ka sa salamin and appreciate your appearance. Sabihin mo na ang ganda, pogi o cute mo! Build your confidence! Pakapalan na 'to, char hahaha! It really works, trust me. Praise yourselves cause you really deserve it. BUT BUT BUT, 'wag mo gawin yan kapag may kasama ka. Mamaya ano pang sabihin sayo, kasalanan ko pa. Hahaha!
DO EVERYTHING THAT MAKES YOU HAPPY AND CONFIDENT
In this blog, hindi ko naman sinasabi na maging kuntento ka nalang sa mga bagay na mayroon ka na magiging dahilan ng mediocrity. Hindi ko rin pinaparating na 'wag ka na mangarap para sa sarili mo at gawing rason nalang ang pagiging kuntento para hindi magsikap na mas maging better person. We must always have a room for improvements. When right time comes, kapag mayroon ka ng enough resources, it is okay to enhance and improve yourself. Mag-gym ka, make-up, magpa-derma or magpa-retoke. But not to the point na naaadik ka na sa pagbabago ng itsura mo na magiging dahilan ng pagbabago ng behavior mo and also discontentment sa mga bagay na mayroon ka tulad na lang ng mga nafi-feature sa #KMJS.
All in all, isa lang naman ang gusto kong iparating sa'yo. You are beautiful and a masterpiece. You deserve to be loved as what and who you are and you should love yourself first before anyone else dahil mas kamahal-mahal at kahanga-hanga yung mga taong minamahal yung sarili nila!
And kapag dumating na yung panahong na-practice mo na yung steps na nakalagay dito, isang malaking CONGRATULATIONS!, dahil may self-love ka na! I'm sure na sa panahong yon, masaya ka na sa buhay na mayroon ka and isa ka na sa mga magpapakalat ng happiness and love. And also, for sure, there will be a possibility na isa ka na sa mga mag-iinspire sa mga tao to love themselves no matter what!
I hope na nakatulong ako sa'yo. And thank you for reading! Please share naman po sa mga friends mo lalo na sa mga taong sa tingin mo kulang sa self-love. Hehe. Spread love! ❤
(Credits to the owners of photos I used.)
-Christian James Tiamzon