Goal is something that you are trying to achive ayon kay Merriam. Pero in this blog, I want you to know deeper about goal. Gusto ko ishare at ipaalam na goal affects your life and it requires you to work harder in order for you to achieve it.
Pero before we discuss on how to achieve it, gustong kong pag-isipan mo maiigi bakit ka dapat magkaroon ng goal and para kanino?
May goal tayong mga Pilipino unang-una para sa pamilya. Malamang gusto nating mabigyang ng magandang buhay si Mama, Papa o Mommy, Daddy. Second, siguro gusto rin nating magkaroon ng nice and bright future for ourselves, yung tila money is not an issue anymore plus yung kaya na rin nating bumili at magkaroon ng sariling bahay, kotse atbp. Im sure na there are so many reasons bakit natin kailangang magkaroon ng "goal". I want to inform you na importanteng malaman mo yung mga rason bakit ka nangangarap. YES, IMPORTANT SIYA.
Let's talk about achieving goal. Gaya ng sinabi ko, goal affects your life. If you want to achieve it, baka kailangan mong mag-effort para dito. You have to make sacrifices for you to achieve it. Alisin mo na sa sarili mo yung mga bagay na hindi naman maganda at hindi naman makakatulong sa iyo sa pag-abot ng mga pangarap mo tulad ng redundant bad vices, pagiging tamad at circle of friends na hindi naman makakatulong sayo. Kung puro kalokohan lang naman yung squad mo, iwan mo na kaya? Do not forget na pwede kang mahawa o maimpluwensyahan ng mga ganyang klase ng tao lalo na kung kasama mo sila lagi. Kaya be careful, friend.
Goal requires us to work harder. Level up! Grow up! Kung pokemon ka, mag evolve ka naman! Baka it is time for you to change for the better. Improve yourself cause I know that you can do better. Magsipag ka sa pag-aaral mo or sa trabaho mo (kung worker ka na). Iwasan mo na magpuyat para sa fb, twitter, ig atbp. This time try mo namang magpuyat para sa mga paperwork and schoolwork mo. Pero I think 'di ka naman siguro aabot sa pagpupuyat kung kaya mo imanage ng maayos time mo. Ting! Manage your time, friend! :)
Pero in this blog, gusto ko rin malaman mo na hindi lahat ng goal sa buhay ay naaachieve. :) Pero do not be discouraged and do not lose hope. Minsan may mga bagay na mangyayari para hindi mo maachieve yung goals mo. Pero i want you to know that there is what we call "God's plan". Our heart is full of plans but God's plan will always prevail. And his plans are better than ours. So cheer up! Always ask his will sa bawat plano mo sa buhay. Always ask for his guidance for you to achieve it.
And when time comes na pinanghihinaan ka na, yung tipong nagtatanong ka na kung tutuloy ka pa ba sa pag-aaral kasi pagod na pagod ka na, kung lalaban ka pa ba, isipin mo yung rason bakit ka nagsisipag, nagtitiyaga at lumalaban. Think of your family, think of yourself. Hindi ka aabot sa ganyang level kung walang saysay at silbi yung goals mo. That is why it is important na alamin mo yung mga dahilan bakit ka may goal. Kasi they will serve as your inspiration to move forward and to reach your goals. Tignan mo nalang mga artista! Halos lahat yan nakaranas ng rejection, pero nasaan sila ngayon? Tinatamasa na nila yung pangarap nila. You know why? Kasi hindi sila sumuko. Ganun ka rin sana. Okay lang mapagod, pero wag mong balakin at wag na wag mong gagawing sumuko. Never give up on your dreams and goals!
And most importantly, have faith in God. We do not know what is in store for us but God is there, trust him. Wala naman siyang anak na pinabayaan di'ba? :) Lagi mo lang iconsult sa kanya yung goals mo para more chances of winning. Always remember na hindi mo lang 'to laban. Laban niyo ni God 'to. Always ask him for help and syempre tulungan mo rin sarili mo, tulungan kayo, ganun. :) And i believe na you will be rewarded for doing what you love, pero always be humble ha!
I hope that this blog helped you. If it did, please do share naman para mainspire yung iba! Have a nice day! Thank you for reading!
-Christian James Tiamzon
Thank you! Very helpful blog.
ReplyDeleteThank u for reading po :)
DeleteTAMA NEVER GIVE UP!!!FOCUS ππ
ReplyDeleteπ thank u for reading!
DeleteThanks po sa paginspire!! Nice blog!!!
ReplyDeleteThank you for reading! π
Delete