"Pila Ulit Pila"
"Madumi jan!"
"Mga aktibista!"
"Mga gutom tao jan, mahihirap."
"Marami pa po bang sluts sa PUP?"
"Paano po pag mainit, anong gagawin?"
Kung junior or senior high ka na nagcoconsider ng PUP as one of the Universities na gusto at magandang pasukin, well, para sa'yo 'tong blog na 'to!
So to start this blog, gusto ko munang ipakilala sa'yo ang PUP in a negative way BUT I'm assuring you na at the end this blog, may matututunan ka at masasagot yung mga tanong mo.
#1 MALAYO ANG PUP
'Di ko alam kung kailangan pa ba iexplain para malaman niyong malayo siya. Pero malayo talaga lalo na kung hindi ka taga Manila. At dahil malayo siya, surely may mga adjustments na mangyayari sa lifestyle mo. For example, kung walking distance lang school mo noon, pwes, hindi na ngayon lol, kung 30 mins lang ang byahe mo nung junior ka, pwede siyang maging 2-4 hrs lalo na kung saang lupalop ka pa manggagaling. Second, kung hindi ka willing bumyahe ng ilang oras para magparticipate sa mga thesis or group activities, sinasabi ko sa'yo, jan ka na magsenior at magcollege sa city niyo! Kasi based on my experiences, may mga time na hindi lang sa PUP ang venue ng groupings. There was a time na kinailangan namin pumunta sa mga available na bahay ng classmate namin para magawa ng maayos ang task namin especially thesis. So yes, nakarating ako ng iba't-ibang siyudad like Malabon, Pasig, Manila, QC at iba pa (yung iba mas malayo pa narating). Malaki-laki din pamasahe, kung 'di kaya ng budget, I suggest na 'wag ka na lumayo ng university.
#2 HINDI GANOON KARAMI AT KAGANDA ANG FACILITIES NG PUP
I hope na walang maoffend but this is the truth. Ang room namin ay half lang ng room namin noong JHS. Here in PUP, 2 electric fans lang ang meron and may isang outlet lang and nakakalungkot kasi yung ibang room wala pa. Madalas din magkulang ang mga upuan namin. Kaya nakakastress lalo na kapag exam, yung tipong late ka na tapos wala ka pang upuan. And sa west wing naman (kung nasaan room ko), isa rin sa mga pinoproblema namin is yung amoy ng ilog pasig, yes may ilog and mabaho siya lalo na kapag umuulan. Sa CR naman, I think okay naman siya since may tubig, faucets, cubicles with doors and yung iba may flush pero mabaho siya which is kasalanan naman na ng mga students kasi sabi ko nga may tubig naman (kaso minsan walang timba at tabo lol). Kapag sobrang lakas naman ng ulan, bumabaha kahit nasa taas ka. So kung maarte kang tao, ayaw ng mainit, mabaho at binabaha, hindi ka po para dito.
#3 HINDI LAHAT NG PROF PUMAPASOK AND NAGTUTURO
Sana lang walang prof na bumasa, char! HAHA. Actually, narinig ko lang 'to sa principal namin nung orientation. Pero naexperience namin 'to sa isang subject due to her sickness kaya mejo okay lang sa'min kasi may reason naman siya. Pero ang common talaga na problema sa section namin is ang tagal magkaroon ng Prof. Sinasabi rin ng ibang college na may mga Profs daw na sa first day at exam day lang nagpapakita. So wala na kong ibang sasabihin masyado about sa kanila kasi I think na I do not have a right since hindi naman lahat ng Prof sa PUP ay naencounter ko na pero ang alam ko lang is mahirap sila magpaexam. Naranasan namin na hinati yung class namin into 2 tapos magkaibang oras kami nag-exam para walang cheating (25 persons muna then after nila, yung other 25 naman and sobrang layo ng isang tao sa katabi niya.)
Ngayong alam mo na yung mga bagay na negative about sa PUP, siguro may mga tanong na nabuo sa isip mo like, "Kung gan'on ka-worse ang PUP, bakit pinili pa rin nila na doon mag-aral?" Pero, don't worry dahil sasagutin natin yan ngayon!
#1 MALAYO ANG PUP
Yes, malayo ang PUP! Pero pinili pa rin namin siya kasi nakikita namin na dito kami mag-gogrow bilang isang tao at estudyante. Dahil sa location niya, natuto kaming mag-adjust ng oras para sa pag-aaral. Napractice namin ang pagiging maagap at pagmamanage ng oras. Pag dito ka, hindi na pwede yung mga "mamaya nalang" or "maaga pa naman" dahil dito mo talaga masasabi na Time is Gold, mabibigyang halaga mo na talaga dito yung 15 or 30 minutes na dating wala lang sa'yo. Personally, dito ko rin nakita kung gaano ako ka-blessed bilang isang tao dahil macocompare mo yung sarili mo sa iba. Sa PUP matututo kang makisama sa iba't-ibang tao, may mga taga-maynila at meron ding mga taga-province and sobrang daming klase ng tao yung makakasama mo dito. And kung malandi at maharot ka, chance mo na 'to. Char 😂. Dahil malayo siya, ma-eencounter mo yung mga magaganda at gwapo sa paningin mo from different universities such as FEU, UE, CEU at iba pa. Minsan makakasabay mo nalang sila bigla sa jeep, bus, PNR o kaya naman sa LRT o MRT. About groupings, dahil layo-layo kayo ng bahay, maeexperience mong pumunta sa iba't-ibang lugar. Perfect sa mga mahilig sa roadtrip and adventure. Madami kang maratating! Plus, level-up na rin ang baon kapag dito ka nag-aral. PERO huwag kang mag-aral dahil sa baon, 'wag mang-gulang sa parents, bad yon.
#2 HINDI GAN'ON KARAMI AT KAGANDA ANG FACILITIES SA PUP
Yesss! Hindi gan'on karami at kaganda PERO dahil dito, natuto kaming alisin yung mga kaartehan namin sa buhay. Natuto kaming makisama at makibagay. Dahil sa mga gan'ong situations, nakabuo kami ng isang pangarap na, "Ay! Kapag ako nakatapos at nagkaroon ng magandang trabaho, ipapa-airconditon ko pati banyo namin sa bahay!" HAHA! Pero totoo yan, 'wag kayo jan. Kahit na mabaho, mainit o madumi man, natuto kaming tumingin sa mga magagandang bagay kahit hindi gan'on kaganda ang karanasan sa buhay or in other words natuto kaming tumingin at piliin ang positive side kaysa maging nega.
Dahil yun naman ang importante, di'ba? Ang matuto at isantabi ang mga bagay at kaisipan na hindi naman importante though it affects you as a student. BUT WAIT THERE'S MORE, may pool and malaking gym at courts dito! Hindi niyo na kailangan pumunta sa sports complex para lang sa PE Class hindi gaya ng ibang school.
#3 HINDI LAHAT NG PROF NAGTUTURO AT PUMAPASOK
YES ! YES! YES! Hindi ko nilalahat pero minsan totoo siya. BUT BUT BUT, dito kami nasubok at naging better bilang isang estudyante. Sabi nga ng isa naming prof, "Instructor niyo lang kami, ibibigay lang namin yung mga dapat niyong gawin. Kayo pa rin ang mag-aaral para matuto through self-study". At dahil hindi naman lahat ng Prof ay pumapasok, naeencourage kami na mag-aral ng sarili lang namin. Oo, mahirap pero nakakaproud kasi natuto ka by your own effort. Masaya yung makasagot sa recitations at exams lalo na kapag nag-eeffort kang matuto. About sa exam naman, yung layo-layo and by batch, mahigpit ang dating pero malaki ang tulong sa mga estudyante. Bakit? Kasi natuto kaming maging independent! Dahil sa gan'ong sitwasyon, natuto kaming mag-aral at magreview ng matino before the exam at natuto kaming hindi dumepende sa mga kaibigan namin na nagiging ugat ng katamaran. Mukha lang mahirap pero madali lang siya lalo na kapag confident ka kasi nag-aral ka. Masaya mag-exam kapag prepared! Kaya dapat mag-aral ng maayos kasi sinasabi ko sayo, marereward ka sa pag-gawa ng tama someday at nakakaproud magpasaya ng magulang dahil masasabi mo na hindi sayang yung pagpapagod nila, mapag-aral ka lang!
#4 QUALITY EDUCATION
Huwag niyo mamaliitin ang mga propesor dito! Kasi kapag nagturo na yan, boom! Ma-aamaze ka! Ang gagaling nila! Plus hindi ka lang matututo sa mga sinasabi nila kundi, matututo ka rin sa mga karanasan mo sa PUP like Discipline at Manners. Masaya dito! Daming activities!
#5 MURA BILIHIN
Yup! MURA!!! Akalain mo sa 20 pesos may kanin at ulam ka na?! Plus, masarap mga pagkain dito and ang daming stores! Ang daming pagpipilian! May mga tables din na pwede mong pag-kainan. Mababait din mga vendors dito, nagkaroon nga kami ng instant tatay e HAHA! And kung sosyal ka, do not worry kasi may mga milktea shops dito and the likes! I ❤ Milktea!!! 😍 Ehem! Namention kita, baka naman! Char 😂 "Lagoon" yung tawag namin doon sa pinagbibilihan namin ng foods kasi may lagoon siya (wow makes sense HAHA). Para siyang malaking sports complex or oval (may wall), then almost all sides are occupied ng mga stores, yung center is filled by benches and trees.
#6 MARAMING ORRANIZATIONS AND CLUBS
Masaya dito kasi maraming clubs and orgs na mag-aalaga sayo! Dahil naiba na yung sched and routines mo, for sure may mga commitments ka dati na hindi mo na pwedeng magawa like church ministries and minsan hindi ka na rin makakaattend sa mga church activities or fellowships niyo na tumutulong para mag-grow yung faith mo. PERO do not worry dahil maraming makakatulong sayo dito para mag-grow yung faith mo kay God! And hindi lang yun! May mga orgs din dito na tumutulong sa mga students sa mga subjects na nahihirapan sila. Isa sa mga napakagandang Orgs na dapat mong pasukan dito is PUP YROCK! Nako! Sinasabi ko sayo, ang laki ng natulong nila sa'min bilang mga estudyante. But but but, be careful sa mga orgs na papasukin niyo. 'Wag basta-basta and 'wag go with the flow! 😊
So ayun, maraming dahilan kung bakit hindi mo siya dapat piliin pero napakarami rin namang dahilan bakit mo siya dapat piliin kung titignan mo lang! Kung hindi ka open-minded for sure walang effect sa'yo 'to and dapat una pa lang 'di mo na binasa. Char! 😂
Nasa iyo pa rin naman yan kung paniniwalaan mo yung mga nakalagay dito. It is still your choice kung icoconsider mo ang PUP as one of the universities na gusto mong pasukan. I just did my part as its student na ipakilala ang napakagandang university na pinapasukan ko.
Polytechnic University of the Philippines is not a perfect university. Pero nagpoproduce lang naman siya ng mga magagaling na mga estudyante. Mas tinatanggap lang naman ng mga Companies ang graduates dito. (Opx, hindi ko sinasabing hindi tinatanggap ng mga companies ang mga students from other universities, bawal 3guard) Kung mag-aral ka man dito or hindi, just do your best as a student. Believe me, nasa iyo pa rin yan kung paano ka magiging successful in the future!
I hope na natulungan kita at nasagot yung mga tanong mo about PUP. If it did, please share naman para sa iba! You can subscribe and comment na rin, salamat! ❤
(Credits to the owners of the photos I used. I got them from Facebook, Twitter and Google).
-Christian James Tiamzon